Ano ang Arthritis sa Kamay?

Ang kamay at pulso ay may maraming maliliit na joints na nagtutulungan upang makabuo ng paggalaw, kabilang ang mahusay na paggalaw na kinakailangan upang maglagay ng sinulid sa karayom ​​o itali ang sapatos. Kapag ang mga kasukasuan o joint ay apektado ng artritis, ang mga gawain ng pang-araw-araw ay maaaring maging mahirap.

Ang artritis ay maaaring mangyari sa maraming lugar ng kamay at pulso at maaaring magkaroon ng higit sa isang dahilan. Sa paglipas ng panahon, kung ang arthritis ay hindi magamot, ang mga buto na bumubuo sa kasukasuan o joint ay maaaring mawala ang kanilang normal na hugis. Nagdudulot ito ng mas maraming sakit at karagdagang limitasyon ng paggalaw.

joint-pain-stiffness-s1-aging

Sintomas o Symptoms

Ang mga pangkaraniwang sintomas ng Artritis sa kamay ay ang mga sumusunod:

  • Pananakit ng kamay
  • Pamamaga ng apektadong kamay o swelling of the affected hand
  • Pagbabago sa paligid ng mga joint
  • Mainit-init kapag hinawakan
  • Crepitaion (pagkikiskisan ng mga kartilgo cartilage sa isa’t-isa) at looseness (pagluwag ng mga joint)
  • Cysts o pagkakaroon ng bukol sa apektadong bahagi ng kamay

Three-Hand-Exercises-for-Joint-Pain-Relief

Paggamot o Treatment

Mahalagang humingi ng tulong nang maaga upang magsimula ang paggamot at maaari kang bumalik sa paggawa ng pinakamahalaga sa iyo.

 

Ang mga option sa paggamot para sa arthritis ng kamay at pulso (wrist) ay ang sumusunod:

 

A. Nonsurgical Treatment o Paggamot na hindi kinakaylangan ng Operasyon

  • Medication o gamot gaya ng Anti-inflammatory or joint pain supplement
  • Injection na naglalaman ng long-lasting anesthetic at steroid
  • Splinting

READ: Non-synthetic dietary supplement for repair and relief of joint problems

 

B. Surgical Treatment o Paggamot na ginagamitan ng Operasyon

  • Joint replacement or a fusion (arthrodesis)

 

C. Pagkatapos ng Operasyon o After Treatment

Maaaring kailanganin mong gamitin ang isang post-operative splint o cast para sa ilang sandali pagkatapos ng operasyon. Nakakatulong ito na protektahan ang kamay habang ito ay nakapagpapagaling.

 

Pagkatapos ng iyong operasyon ito ang maaaring kailangan mong baguhin sa iyong mga aktibidad upang pahintulutan ang iyong joint na maghilom ng maayos. Maaari din uminom ng gamot para mabawasan ang sakit na nararamdaman. Mahalaga na talakayin ang iyong sakit sa iyong doktor upang ito ay maaayos na magamot.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s